Sukli

Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili paring isang baguhan
Kahit gano kalayo ay mararating
Kasya pang aking sukli
Kasya pang aking sukli
Kasya pang aking sukli

Mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang
Hanggang ngayon, ay naka handa akong lumaban
Lahat ng tanong, mga sagot aking hahanapan
Bawat taon, nilakad at dinaanan

Kahit maputikan ang aking sapatos
Na pinag ipunan ng hirap at pagod
Sa pagtawid sa tulay na walang gabay, sugat sa kamay
Na bawal ang aray kahit mamatay at gutaygutay pa
Gusto ko lamang sabihin ay di madali ang mga kailangan kong danasin
Para lang maabot ang mga kailangan ng aking mga supling
Bagamat mailap ang pagkakataon, pinag kasya ko ang sukling sa'kin ay inabot
Inunat ang baluktot bakit tadhana ay malikot
Iwasan ang mayamot kahit na matabunan ka pa ng mga sigalot
Ngunit di ka papayag dahil katapangan mo'y di maikukubli
Kahit na ano pang sabihin ng iba'y kasya pang aking sukli

Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili paring isang baguhan
Kahit gano kalayo ay mararating
Kasya pang aking sukli
Kasya pang aking sukli
Kasya pang aking sukli

Labing walong taon kapag nilingon ay parang balon na malalim
Bawal ang mag tapon, dapat mag-ipon ako ay pison papatagin
Ang lahat ng pikon di makatugon sa mga hamon uulamin
Sa bawat araw na nag daraan ako'y laging nagdarasal, ama namin
Dambuhala man ang nakaharang ay di tumitigil, di papapigil
Kahit kanino ako'y pursigido na parang baguhan, ako'y nang gigigil
Batang pulibi gutom, bibig ko na di pwedeng mapatikom
Sisiguraduhin ko na iyong maririnig kahit na ito ay pabulong

Mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang
Hanggang ngayon, ay naka handa akong lumaban
Umaalulong, isa lang ang aking natutunan
Mula ngayon, ikaw ang dapat mong tulungan

Di papagapos sa daloy ng agos
Kahit na pulaan at laging mamaos
Sa pagsigaw ng sigaw pag naliligaw libag ay ipagpag
Itak mo'y bingaw, bigas ma'y hilaw 'wag kang bibitaw, 'wag

Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili paring isang baguhan
Kahit gano kalayo ay mararating
Kasya pang aking sukli
Kasya pang aking sukli
Kasya pang aking sukli



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link