Huy

Oh-ooh
Alam mong madalas tayong magtalo sa pagseselos mo
Kahit alam mong ikaw lamang ang siyang nag-iisang babae dito sa puso kong 'to
Sa song kong 'to idadaan para masabi ko sa iyo na ika'y nagkakamali
Wag mong pakinggan ang sinasabi ng iba
Halika makinig ka muna sakin sandali
Kasi
Alam mo naman na ikaw lang ang mahal
(Ikaw lang naman)
(Ikaw lang naman)
Wala na 'kong ibang dahilan para tumingin pa sa iba
Wag mo sanang pakinggan kanilang masamang kumento
Dahil sayo lamang ako na ay kuntento
Madami man ang babaeng dumaan sa'king harapan ay di ko papansinin
(Takot kasi akong kurutin mo)
Oh oh oh oh
Kahit di man ako kagwapuhan ayos lang
Pagkat alam kong ako ay mahal mo din
(Kaya wag nang magselos pa)
Kahit anong mangyari nasa tabi mo lagi
Di mo kailangang mangamba
(Di mo kailangang mangamba)
Ikaw lamang sabi ang nasa puso ko
At wala nang iba pa, Kaya

Huy, wag ka nang magselos pa
Pagmamahal sayo hindi na magbabago pa
Kahit laiitin ng iba hindi iindahin
Ano man sabihin nila, ika'y aking mamahalin
Niloloko kita, hahaha nagpapatawa ka ba
Syempre di ko 'yon magagawa
Hay naku, wag kang magisip ng kung ano-ano
Dahil sa puso ko, ikaw lang at walang iba

Ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa
Para saken paningin at damdamin walang makakatumbas sayo
Kaya, wag muna kong simangutan, please lang (please lang)
Alam mong hindi mabuti ang mangbintang
Saan mo na naman ba nasagap ang mga balitang hindi totoo
Sabi ko naman sayo, ako lamang ang siyang papakingan mo
Dahil ayaw ko din ng gulo satin dahil laging
Gusto kong maayos tayong dalawa (Uh, huh, hmm)
Ayaw kong tumataas ang kilay mo, ayokong nakikitang nalilisik ang iyong magandang mata
Dahil nakakatakot ka pag galit parang magugunaw ng buong mundo
Sa lakas ng boses mo kapag sumisigaw sa tenga ko'y
Meron tunog na ganto, ting! (Ouch)
Kaya tama na ang pagbubunganga
Wag muna kong awayin dahil wala din naman mapapala
Halika na nga sa aking tabi (Eh)
Hihilutin ko nalang ang likod mo (Likod mo)
Ikaw ang kamahalan at ako ang lingkod mo (Lingkod mo)
Na kahit kailan ay hindi magagawang ipagpalit sa iba ang tulad mo
Dahil Mahalaga ka sa Buhay ko

Huy, wag ka nang magselos pa
Pagmamahal sayo hindi na magbabago pa
Kahit laiitin ng iba hindi iindahin
Ano man sabihin nila, ika'y aking mamahalin
Niloloko kita, hahaha nagpapatawa ka ba
Syempre di ko 'yon magagawa
Hay naku, wag kang magisip ng kung ano-ano
Dahil sa puso ko, ikaw lang at walang iba

Ikaw lamang ang nagiisa
Kung may iba yun ay musika
Dahil ikaw lang ang nakapasok sa puso kong naka susi na
Kaya laging mong asahan na walang dinadaanan na iba
Kapag pauwi na ay deretso lang sa bahay
Tapos sayo ay yayapos hahalik na
Ang nakahiligan mong pagseselos ay pwede bang limutin na natin
At magsimula tayo na walang laman na masamang saloobin
Sa katunayan nga ayokong magsinungaling sayo
Pero palagi mong pinag pipilitang may iba ako
Pagkatapos ay bigla ka na lamang mag tatampo sakin
Wala naman akong ginawang masama kung naiinis ka, peace na
Hindi ko naman sinasadya na ika'y mag alala
Sana wag ka nang magpadala sa maling emosyon
Alam mong labisyong pagmamahal mula pa lamang nung umpisa (Alam Mo yan)
Ikaw lamang ang pinakamagandang babae dito sa aking paningin (Ikaw talaga)
Di ako lumilingon sa iba kaya pwede wag ka nang muling maprapraning (Maniwala ka)
Dahil yung iba sus wala talo lang yun sayong ganda
Perpekto ka sa'king mata
Huli na to wag ka nang magseselos ha

Huy, wag ka nang magselos pa
Pagmamahal sayo hindi na magbabago pa
Kahit laiitin ng iba hindi iindahin
Ano man sabihin nila, ika'y aking mamahalin
Niloloko kita, hahaha nagpapatawa ka ba
Syempre di ko 'yon magagawa
Hay naku, wag kang magisip ng kung ano-ano
Dahil sa puso ko, ikaw lang at walang iba



Credits
Writer(s): Christian Earl Valenzuela, John Russel Magtoto
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link