Magkabilang Mundo (Live)

Magkalayong agwat, gagawin ang lahat
Mapasa'yo lang ang pag-ibig na alay sa 'yo
Ang awit na 'to ay awit ko sa 'yo
Sana ay madama, magkabila man ang ating mundo

Kahit nasa'n ka man, 'di ka papalitan
Nag-iisa ka lang, kahit na langit ka at lupa 'ko
Ang bituin ay aking dadamhin
'Pag naiisip ka, sabay kayong nagniningning

Dito ay umaga at d'yan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Aking hapunan ay 'yong umagahan
Ngunit kahit na ano'ng mangyari
Balang araw ay makakapiling ka

Hihintayin kita kahit nasa'n ka pa
'Di ako mawawala kahit na may dumating pa
Dito lang ako, iibig sa iyo
Hangga't nand'yan ka pa, hangga't wala ka pang iba

Dito ay umaga at d'yan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Aking hapunan ay 'yong umagahan
Ngunit kahit na ano'ng mangyari
Balang araw ay makakapiling ka

Oh, yeah
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh

Dito ay umaga, d'yan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Aking hapunan ay 'yong umagahan
Ngunit kahit na ano'ng mangyari
Balang araw ay makakapiling ka



Credits
Writer(s): John Jireh S. Lim
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link