Bituin

Gusto ko lang naman ay marinig mo ang aking tinig
Kasabay ng liwanag sa paggising
Palubog na ang araw, kailan ba diringgin?
Pero ayos lang kung dumilim
'Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin
(Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin
(Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin
(Oh-oh-oh-oh-oh)
Ako'y isang bituin

Kumikinang-kinang
'Di dahil isang kilalang nilalang, iba ang dahilan
Sa katunayan nga ay lagi nilang nila-"lang"
Pero ayos lang kasi wala na 'kong pakialam
Kung isa man ako sa mga iniidolo
O isa ako sa mga kinabuwi-buwisitan niyo
Isa man akong munting kislap sa paningin ninyo
Ako naman ang araw ng sarili kong mundo

Naiintindihan ko ang aking kapalaran
Kahit tindihan ko at akin pang lawakan
Ay hindi lahat ng tao ay abot ang kalawakan
Malayo'ng agwat kaya 'di siya maliwanagan
Ito ang pinasok kaya dapat tanggapin
Oo, tanggap ko, nais lang sana kitang tanungin
Bakit ang tao 'pag nakakakita ng bituin
Ang pagbagsak nito ang katuparan ng kanyang hiling?

Gusto ko lang naman ay marinig mo ang aking tinig
Kasabay ng liwanag sa paggising
Palubog na ang araw, kailan ba diringgin?
Pero ayos lang kung dumilim
'Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin
(Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin
(Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin
(Oh-oh-oh-oh-oh)
Ako'y isang bituin

Kung kukumpara ay bago lang ako sa rap
Sinuwerte at napabilang sa isang patimpalak
Pero ako ay minalas rin yata sapagkat
Halos lahat yata ng laban ko, ako'y tambak
Ngunit tuloy pa rin sa sabong, isinugal lahat
Kahit na ako ay dehado, pati pato, nilapag
Alam ni Kristo kung sino ang pilit nilalaglag
Kaya 'yung 'di nila manok ang tinubuan ng pakpak

Nakalipad paahon sa kabila ng panahon
Pero kinaila, halo-halo ang rason
"Ganito kasi, eh, kasi gano'n"
Sa kanya na nga nanggaling, kasalanan ko ba 'yon?
'Pag pabor sa inyo, trip na trip niyong banggitin
Pero 'pag hindi, bakit 'di niyo kayang tanggapin?
Bakit ang tao, 'pag nakakakita ng bituin
Ang pagbagsak nito ang katuparan ng kanyang hiling?

Gusto ko lang naman ay marinig mo ang aking tinig
Kasabay ng liwanag sa paggising
Palubog na ang araw, kailan ba diringgin?
Pero ayos lang kung dumilim
'Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin
(Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin
(Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin
(Oh-oh-oh-oh-oh)
Ako'y isang bituin

Madilim na paligid ay nakakahawa
Sa sarili'y mawawalan ka ng tiwala
Pero ako'y hindi nababahala
(Ako'y isang bituin)
Madilim na paligid ay nakakahawa
Sa sarili'y mawawalan ka ng tiwala
Pero ako'y hindi nababahala
(Ako'y isang bituin)

Ako ay andito gabi-gabi kasi
Hindi makukuha sa isang gabi
Ang aking mga pangarap na minimithi
Hindi madali kaya hindi minamadali
Kaya pila lang nang pila, tira lang nang tira
Iba nagpapatira pa para magkatira
Gusto mo magbago? Ang sagot niya, "Hindi na"
Kung ang akala mo huli na ang lahat, hindi pa

Hindi ka dapat makuntento sa katwirang baluktot
Porke ba komportable, ayos lang na malungkot?
Ayaw mo masipa kaya ayaw sumuntok
Hindi porke't napasubo, kailangan na ilunok
Alam mo sa sarili, kailangan mo gawin
Kung gusto mo tanggapin, ang sarili'y tanggapin
Dahil ang tao 'pag 'di nakakakita ng bituin
Ang pagdating nito ang katuparan ng kanyang hiling

Gusto ko lang naman ay marinig mo ang aking tinig
Kasabay ng liwanag sa paggising
Palubog na ang araw, kailan ba diringgin?
Pero ayos lang kung dumilim
'Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin
(Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin
(Oh-oh-oh-oh-oh) Bituin
(Oh-oh-oh-oh-oh)
Ako'y isang bituin

(Oh-oh-oh-oh-oh)
(Oh-oh-oh-oh-oh)
(Oh-oh-oh-oh-oh)



Credits
Writer(s): Thyro Alfaro, Christopher Ongkiko
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link