Ang Mga Muebles

Ang idolo ng ating kabataan, Manolo
Higit pa sa idolo ang Papa
Ang ating diyos ama
Ang mundo at langit
Buwan at araw at mga bituin
Ang buong uniberso

Ang sarap magkaroon ng amang isang henyo
Ang lupit sabihin mo
Masakit din talikuran ang idolo ng nakaraan
Tingnan mo si Don Aneas
Karga-karga ang sariling ama

Iyon ba ang ibig ipahiwatig ng Papa
Na iniwanan natin syang nagkakarga sa sarili niya
Magtigil ka di natin sya pinababayaan
Nandyan si Paula't Candida
Namalengkeng pihado ang dalawa
Lalo nang nagiging luka-luka

Kailangang kausapin natin
Nangako kang magmamatigas na
Nasaan si Don Perico
Nasa kwarto pa ng Papa, nagdadaldalan pa ang dalawa
Pakikinggan sya nila Candida

Dahil senador sya
Dahil poeta
Nung arawa pa, ano ka ba!
At dahil ninong nila kailangan
Makumbinsi silang umalis na sa bahay na ito

"May buyer na nga ako"
"Sinabi ko sa'yong ako ang may buyer na"
Wag kang makialam!
Ako ang panganay niyo

Wala akong kumpyansang may ulo para
Sa negosyo'ng mga lalaki ng pamilya
Pa'no ang mga muebles?

Sa'kin na ang araña, ang mesang marmol sa studio
Sayo ang muebles sa sala pwera lang ang piano
Sa akin din ang nasa kumedor
Pagahatian natin ang mga kubyertos at plato
"Bakit pa? Kamkamin mo na ang lahat!"



Credits
Writer(s): Raymundo Cipriano P Cayabyab, Rolando S. Tinio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link