Dito Sa Aking Mundo (Contessa Theme Song)

Bakit hindi mapansin ang damdamin ng bawat katulad ko?
Bakit hindi marinig ang pagsamo't hikbi nitong puso ko?
'Di ko hangad maganap, maangkin ko ang lahat
Tanging nais ko'y pang-unawa na kailanma'y walang wakas

Mundo kong nagisnan ay mundo ng hangari'y magkaisa
Akbay-akbay ang lahat sa hikbi, lungkot man o maging saya
Dito'y 'di mag-iisa, lagi kang may kasama
Ang mundong ito'y paraiso ng puso na may kaluluwa

Dito sa 'king mundo'y may pag-asa ang pangarap
Dito sa 'king mundo'y walang api, walang mahirap
At kung ito'y kukunin pa, ano'ng silbi at halaga
Ng buhay kong ito, na alay ko sa kanila?

Dito sa 'king mundo'y hinding-hindi maaaglahi
Dito sa 'king mundo'y pag-ibig ang laging sukli
Pantay-pantay ang sinuman sa puso at karapatan
Hanggang kamatayan, mundong ito'y 'di ko iiwan

Ang mundo kong nagisnan ay mundo ng hangari'y magkaisa
Akbay-akbay ang lahat sa hikbi, lungkot man o maging saya
Dito'y 'di mag-iisa, lagi kang may kasama
Ang mundong ito'y paraiso ng puso na may kaluluwa

Dito sa 'king mundo'y may pag-asa ang pangarap
Dito sa 'king mundo'y walang api, walang mahirap
At kung ito'y kukunin pa, ano'ng silbi at halaga
Ng buhay kong ito, na alay ko sa kanila?

Dito sa 'king mundo'y hinding-hindi maaaglahi
Dito sa 'king mundo'y pag-ibig ang laging sukli
Pantay-pantay ang sinuman sa puso at karapatan
Hanggang kamatayan, aking susumpaan
Maging kailan pa man, ang mundong ito'y 'di ko iiwan



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link