Dahil Sayo

Araw araw ikaw ang gusto kong kasama
Buhay ko'y kumpleto na
Tuwing nandidito ka
Sa tabi ko o aking giliw
Di pa din ako makapaniwala
Na ang dati kong pangarap
Ay katotohanan na
Ikaw ang tanging inspirasyon
At basta't nandito ka ako'y liligaya

Dahil sayo ako'y matapang
Dahil sayo ako'y lalaban
Para sayo pagmamahal na walang katapusan
Dahil sayo merong pangarap
Pagmamahal ko sayo'y tapat
Para sayo pagmamahal na higit pa sa sapat
Gagawin ko ang lahat para lang sayo sinta
Basta't nandito ka ako'y liligaya

Minu-minuto naghihintay ng tawag mo
Marinig lang boses mo masaya't kuntento na ako
Wala ng iba pang hahanapin
Basta't ikaw ang aking kapiling
Lahat magagawa dahil kasama ka
Ikaw ang tanging inspirasyon
At basta't nandito ka ako'y liligaya

Dahil sayo ako'y matapang
Dahil sayo ako'y lalaban
Para sayo pagmamahal na walang katapusan
Dahil sayo merong pangarap
Pagmamahal ko sayo'y tapat
Para sayo pagmamahal na higit pa sa sapat
Gagawin ko ang lahat para lang sayo sinta
Basta't nandito ka ako'y liligaya

Pinagdarasal ko ng sobra
Na sana'y tanggapin mo aking inaalay
Na pasasalamat sa pagliliwanag
Ng buhay kong ito na dati rati di gan'to na kay ligaya
Oh tanggapin ang regalo
Oh mga rosas at choco
Liliwanag lang ang buhay mo
Pag nilabas mo na ang puso ko

Ikaw ang tanging inspirasyon
Sa bawat araw na haharapin
Gagawin ko ang lahat para lang sayo sinta
Basta't nandito ka ako'y liligaya...

Dahil sayo ako'y matapang
Dahil sayo ako'y lalaban
Para sayo pagmamahal na walang katapusan
Dahil sayo merong pangarap
Pagmamahal ko sayo'y tapat
Para sayo pagmamahal na higit pa sa sapat
Gagawin ko ang lahat para lang sayo sinta
Basta't nandito ka ako'y liligaya...



Credits
Writer(s): Arthur Burnette Lyman
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link