Tao

Ang awiting ito'y para sa lahat ng minahal natin
Ito'y para rin sa lahat ng mga nagmahal sa atin

Tulad ng isang ibon
Tao ay lumilipad
Pangarap ang tanging nais
Na marating at matupad

Bakit pa luluha?
Bakit maghihirap?
Ayaw mang mangyari
Ay 'di masasabi

Minsan tayo ay nalilibang, 'di natin napapansin
Oras na lumilipas ang pilit nating lilingunin
Sana'y nasabi ko, sana'y nalaman niya
Sana'y nung giniginaw ay hawak ko ang palad nya
Ngunit naisip ko, ngayon ay mas dinig
Kahit isang bulong, kahit na isang pintig
Ng puso 'pag sinabi mong sya'y mahalaga
Asahan mong sayo'y gano'n din ang kanyang nadarama

Isip ay nalilito
'Pag nakakita ng bago
Lahat ng bagay sa mundo
Ay isang malaking tukso

Sasaktan mo lamang
Puso ay huwag sugatan
Ito'y laro lamang
Sa mundong makasalanan

Matapos ang lahat, isa lang ang aking napatunayan
Huwag mong hayaan na parang alikabok sa lansangan
Na nililipad-lipad at tuluyan nang mapahalo
'Pag umula'y magiging putik sa kanal na bumabaho
Sabi nga nila, ang buhay ay siguradong hindi
Lahat ay nakatakda pero 'di ka pwedeng mamili
Kaya't kung mayro'ng pagkakataon, mahigpit mong yakapin
Dahil baka bukas sa 'yo ay bigla lang agawin

Tubig ay natuyo
Bulaklak ay nalalanta
Araw ay lumilipas
Sa gabi rin ang punta

Sasaktan mo lamang
Puso ay huwag sugatan
Ito'y laro lamang
Sa mundong makasalanan

Salamat sa pagkakataong kayo ay nakasama
Salamat sa mga araw, may luha man o tawa
Salamat dahil nalaman ko ang aking pagkukulang
Pero sa kabila nito, ako'y 'di mo kinalimutan
Salamat dahil ako'ý tinuring mong kaibigan
Salamat at hanggang sa susunod nating kamustahan



Credits
Writer(s): Traditional, Noel Quinlan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link