Bibingka

Simbang Gabi na naman
Tayo gising na, patulog pa lang ang buwan
Ang simoy ng hangin
Dahan-dahan na humahaplos
Sa mukha ng bawat tao
Bumabagsak-bagsak pa ang mata

Dahan-dahang kumislap
Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan
Kung sa'n magkasama tayong nagdasal
At nakinig sa Misa de Gallo
Pagdating ng Ama Namin, ang oras huminto

Nang magkahawak ang ating mga kamay
Umawit mga ulap at sabay

Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila...
Ang sabi nila...

Natapos din ang siyam na araw ng Simbang Gabi
Ang sabi ko sa sarili, baka ito na'ng huli
Pero mula nu'ng unang Ama Namin na
Ang iyong kamay ay hinawakan
'Di mo na binitawan

Nagsiawit ang mga anghel sa langit
At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
Kay ganda ng harana ng tinig
Na sumasabay sa ihip ng hangin
Ang sabi nila (ang sabi nila)
Ang sabi nila (ang sabi nila)
Oh, ang sabi nila...

Ang sabi nila
Bil'han mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana
Oh, bil'han mo na siya ng bibingka
Dahil ikaw na ang aking tadhana



Credits
Writer(s): Miguel Benjamin G Guico, Paulo Benjamin G Guico
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link