Tama Na

Tama ka, tama na
Tama nang putulin na
Hindi na dapat pang masaktan
'Di na hahayaan pang ipilit pang
Muli sa iyo ang aking puso

Minsan nang naniwala na sana nga'y
Ikaw na ang huling mamahalin
Ngunit sadyang mayro'ng mga bagay-bagay
Kung puro na lang tayo away
Mas mabuti pang

Tama na
Itama na ang bawat pagkakamali sa isa't isa
Tama na
Naglaho at nagbago na ang 'yong ngiti
Tama ka, tama na

Tahan na, mga mata
'Di ka na muling iiyak at masasaktan, hmm
Ang ibigin ka ay tama na
Kahit na ako ay may tama pa sa 'yo

Nasanay na ang aking pusong kasama ka
Subalit kailangang matutong mag-isa
Siguro sadyang (sadyang) hinding-hindi lang tayo bagay
Kung puro na lang tayo away

Tama na
Itama na ang bawat pagkakamali sa isa't isa
Tama na
Naglaho at nagbago na ang 'yong ngiti
Tama ka, tama na

Oh, oh, oh
Tama ka, tama na
'Wag na nating pahirapan pa
Tama ka, tama na
Kung mahal pa natin ang isa't isa

Tama na
Itama na ang bawat pagkakamali sa isa't isa
Tama na
Naglaho at nagbago na ang 'yong ngiti
Tama ka, tama na

Tama ka, tama na
Tama ka, tama na



Credits
Writer(s): Michael Rodriguez, Jeanne Rodriguez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link