Bukas Makalawa - From "Para Sa Broken Hearted

Sadyang mapaglaro ang
Palad ko't tadhana
Puso'y napadpad sa'yo at sinawalang bahala
Ang mga tanong, mga babala
Dagling binigay ko ang lahat
Kahit itong puso'y 'di handa
Ako'y umibig sapagkat
Ako'y susubok kahit 'di sigurado
Kung bukas makalawa
Ikaw ba ay nandito pa
O bukas makalawa
Tuluyan nang maglalaho'ng mga hiram na sandali
Pa'no tayo bukas?
Bukas makalawa
Sadyang mapaglaro ang takbo ng buhay natin
Baka kung kailan pa ako ay
Nahulog na't bawiin sa'kin itong puso
mong handa na ring binigay sa'kin ang lahat
Ang mga tanong, mga babala
Nanunumbalik sapagkat
Ako'y sumubok kahit 'di sigurado
Kung bukas makalawa
Ikaw ba ay nandito pa
O bukas makalawa
Tuluyan nang maglalaho'ng mga hiram na sandali
Pa'no tayo bukas
Pa'no tayo bukas makalawa
Ikaw ba ay nandito pa
O bukas makalawa
Tuluyan nang maglalaho'ng mga hiram na sandali
Pa'no tayo bukas
Bukas makalawa



Credits
Writer(s): Thyro Alfaro, Yumi Lacsamana
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link