Wala Na Ang Init

'Di ako ang para sa 'yo
Tadhana lang ang nagtagpo
Tadhana rin ang naglayo, whoa

Kay sakit mang tanggapin
Na 'di ako ang papalarin
Na makakasama mo sa habang-buhay

Isisigaw na lang sa mga bituin
At aawit na lang ng 'sang panalangin
Ang pagsamo ko sa langit, sana'y dalhin
Ng apoy ng pag-ibig mo para sa 'kin

Oh-whoa, oh-whoa
Oh-whoa, whoa-oh

Ako ang para sa 'yo
Pangako ng puso mo
Pangakong 'di na magkakatotoo

'Di na masasaktan pa
Sa kuwento nating dalawa
'Di na makakarating na mahal kita, whoa

Ang lahat ng bigat ng damdamin
Lahat-lahat ay nais ko mang pawiin
'Di mo na maibabalik ang pag-ibig

Isisigaw na lang sa mga bituin
At aawit na lang ng 'sang panalangin
Ang pagsamo ko sa langit, sana'y dalhin
Ng apoy ng pag-ibig mo para sa 'kin

Oh-whoa, oh-whoa
Oh-whoa-whoa
Oh-whoa-whoa, oh-whoa
Oh-whoa-whoa

Ako ang para sa 'yo ('di ako ang para sa 'yo)
Tadhana lang ang nagtagpo (tadhana rin ang naglayo)
Pangakong hindi na magkakatotoo

Isisigaw na lang sa mga bituin
At aawit na lang ng 'sang panalangin
Ang pagsamo ko sa langit, sana'y dalhin
Ng apoy ng pag-ibig mo para sa 'kin

Oh-whoa, oh-whoa
Oh-whoa-whoa
Whoa-whoa-whoa-oh, oh-whoa
Oh-whoa-whoa

Wala na ang init (wala na ang init)
Wala na ang init ng ating pag-ibig



Credits
Writer(s): Mark Binoya, Michelle Saubon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link