Pulubi

Laging salat sa salapi
Sugat na kay hapdi
Bubong ang puro tagpi
Pawis na di makubli
Kalye at lansangan
Ang hapag kainan
Laging natitikman
Mga tira-tirang ilan

Sino (sino) sino (sino)
Ang tunay na pulubi?
Sino (sino) sino (sino)
Ang tunay na pulubi?
Sino (sino) sino (sino)
Ang tunay na pulubi?
Sino (sino) sino (sino)
Ang tunay na pulubi?

Silang mga nasa kalsada madumi ang damit
Malamang wala pang ligo minsa'y punit-punit
Hindi lang ang kasuotan 'no kung ano ang bitbit
Madalas ay kalooban na may tangan na sakit
Hinanaing, sino ba'ng may kayang magpagaling
Lakad kami ng lakad ba't ang hirap makarating
Laging nasasalubong di naman lilingunin
Gano katalas ang kahirapan subukang salatin
Ng malaman suotin mo ang tsinelas na patid
Ko sa tuwing lalagnatin ang bunso mong kapatid
Sa maginaw na gabi o tanghaling tag-init
Kami lang ang tabi-tabi yayakapin lang ulit
Kahit ganito ang buhay kami ay sama sama
Karton sa kalsada'y mistulang malambot na kama
Kalarong mga anak at katuwang ang asawa
Oras ay ang tunay na kayamanang napapamana

Sino (sino) sino (sino)
Ang tunay na pulubi?
Sino (sino) sino (sino)
Ang tunay na pulubi?
Sino (sino) sino (sino)
Ang tunay na pulubi?
Sino (sino) sino (sino)
Ang tunay na pulubi?

Palasyo mansyon (matayog na bahay)
Negosyo ambisyon (kay daming alalay)
Iba't ibang bansa (makapal na alahas)
Laging destinasyon (di ka ba nangangalay?)
Di mabilang na pera (animo'y pabuyang)
Matatag na karera (takot na magkulang)
Kaya mong mabili, lahat ng nasayo
Sana wala kang binebenta

Pero sa kasagsagan ng pagtamasa mo nito
Minsan ba'y tumigil at tinanong ang sarili mo
Naiintindihan mo bang lahat ng sinasabi ko?
Isang sagot na diretso at di ka malilito
Kayang itago ang apoy kaso hindi ang usok
Pag nagmamadali malalim ang tibong tumusok
Sa magarang sapatos ng paang puno ng bubog
Nakahiga sa karangyaan di naman makatulog
Ngayon ay nasa ospital may karamdamang malala
Na minsan ang pinakamalungkot ay ang mahal na kama
Wala ang mga anak at katuwang na asawa
Oras ay ang syang tunay na kayamanang napapamana

Laging salat sa salapi
Sugat na kay hapdi
Bubong ang puro tagpi
Pawis na di makubli
Kalye at lansangan
Ang hapag kainan
Laging natitikman
Mga tira-tirang ilan

Sino (sino) sino (sino)
Ang tunay na pulubi?
Sino (sino) sino (sino)
Ang tunay na pulubi?
Sino (sino) sino (sino)
Ang tunay na pulubi?
Sino (sino) sino (baka tayo)

Ang tunay na pulubi?



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link