Kasama Ka

Banggan, giba ang lumaban, sa bawat suntok ng kamao
Tinutularan, pinaguusapan, sa larangan, ipagmalaki mga napatunayan
Taas noo san ka man mapadpad, di magiging hadlang kahit kapus palad
Tanaw ang pag-asa hangga't hawak ang bola
Tuloy sa pag-abot dahil alam mong ikaw ay lahing

Pilipino galing mo, mamulat na
Pilipino astig to', Kasama Ka

Patatagin loob mo, wag isipin di kaya
Patatagin loob mo, wag susuko bigla

Sa tingin nila ay iba ka mapang-aping dila
Nagmula sa Maynila sige ka 'kaw ay humanda

Walang inuurungan dehado man sa talaan, pilit mo pa rin
Sinusungkit ang karangalan, sa puso at isipan ang pawis inilaan
Hindi pagagapi bako-bako man ang lakaran, tambay sa bilyaran
Pero ang daming tropeyong napanalunan, ikaw ang pag-asa hangga't hawak
Ang bola, tuloy sa pag-abot dahil alam mong ikaw ay lahing

Pilipino galing mo, mamulat na
Pilipino astig to', Kasama Ka

Patatagin loob mo, wag isipin di kaya
Patatagin loob mo, wag susuko bigla

Sa tingin nila ay iba ka mapang-aping dila
Nagmula sa Maynila sige ka 'kaw ay humanda

Ang hinahangad mo
Bilisan mo'ng pagtakbo
Birit ang kada lukso
Patungo ka sa ginto

Sa tingin nila ay iba ka mapang-aping dila
Nagmula sa Maynila sige ka ikaw ay humanda
Sa tingin nila ay iba ka mapang aping dila
Tinaas ang bandila ang wika tayo'y magsimula

Sa tingin nila ay mali ka sino ba sila?
Naghamon na banyaga'
Sige ka kaw ay humanda!



Credits
Writer(s): Michael Erickson Soriano Lopez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link