Hanggang Dito Na Lang

Andiyan na naman
Naghahanap ka ng makakausap at kailangan ng kayakap
'Pagkat iniwan ka na naman
At lagi na lang, ako ang sumasalo ng damdamin
Kahit ang pagtingin mo sa 'kin
Hanggang dito na lang

At mukhang wala nang magbabago
At wala na ring magagawa
Yung pangarap ko na tayo
Bibitawan na nga, kaya

Hanggang dito na nga lang
Hindi na 'ko maghihintay sa 'yo
Sarili ko naman ang iisipin ko ngayon

At 'wag mo kong pigilan
'Di ba lahat na nga ng pagkakataon
Binigay ko sa 'yo

Akala ko no'n
Mag-iiba rin ang tingin mo sa 'kin
Magtatagpo ang damdamin
Pinangarap ko yun noon

At kung nagkataon
Ibibigay ko ang buong pag-ibig
Hinding-hindi ka magsisisi
Kung nagkataon

Pero parang 'di na mangyayari
Hanggang sa panaginip na lang
At ayoko na ring magsisi
Habang patuloy na nasasaktan nang 'di mo alam

Hanggang dito na nga lang
Hindi na 'ko maghihintay sa 'yo
Sarili ko naman ang iisipin ko ngayon

At 'wag mo kong pigilan
'Di ba lahat na nga ng pagkakataon
Binigay ko sa 'yo

Kay tagal kong naghintay sa 'yo
Unti-unting tinatanggap na hindi mo gusto
Ayoko nang pigilan ang paghilom ng damdamin kong ito
Para lang sa 'yo

Hanggang dito na nga lang
Hindi na 'ko maghihintay sa 'yo
Sarili ko naman ang iisipin ko ngayon

'Wag mo na nga kong pigilan
'Di ba lahat na nga ng pagkakataon
Binigay ko sa 'yo

Hanggang dito na nga lang
Hanggang dito na nga lang
'Wag mo na nga kong pigilan
'Di ba lahat na nga ng pagkakataon
Binigay ko sa 'yo



Credits
Writer(s): Jeriko Buenafe
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link