Hanggang Dito Na Lang Muna

Kung nawawala ka man
O, kung saan mang punto ka ng buhay mo nakatayo
Sana'y piliin mo pa rin manatili

Nag-iisip kung sa'n ba pumunta
Ang mga paa mong dinala
Isang araw sa pintuan ng buhay ko
Hindi alam ika'y kakatok

Pero ngayon wala ka na
Sa harap ko, sa'n ka pumunta?

Pwede ba natin itigil ang mundo?
Kahit isang saglit o segundo
Sa'n ba pwedeng magtagpo
Dito na lang muna
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang

Kung ga'no kabilis ang mga panahon
Dumating ka papunta't paroon
Nagbabakasakaling may pagkakataon

Pero ngayon wala ka na
Sa harap ko, sa'n ka pumunta

Pwede ba natin itigil ang mundo?
Kahit isang saglit o segundo
Sa'n ba pwedeng magtagpo
Dito na lang muna
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang

Magkasabay na naglalakad
Sa ating kwentong hindi na umuusad
Pero heto ako ngayon papalayain ka

Araw-araw akong nagdadasal na sana hindi ko na maramdaman
Ang lahat ng sakit, ang bawat ala-ala ng nakaraan
Na pilit kong tinatakbuhan dahil mas madaling tumakas kaysa pabayaan
Ang sariling manatili kung sa'n ka nasaktan
Dahil paulit ulit ka lang nito hihilahin pababa
Hanggang sa hindi ka na makahinga
Hanggang sa mapuno ang utak mo ng
Mga bakit, paano, ano, at saan

Mga salitang hindi mo mabitawan
Dahil 'pag naaalala mo siya ay tila hinihila ka sa karagatan
At lulunurin ka ng pagdududa kung tama ba ang lahat ng nangyari
Pero bakit ka nagsisisi sa mga bagay na hindi mo nasabi
Sa mga pagkakataong akala mong mababalik mo ang dati
Mga pangakong inasahan mong tutuparin niya
Pero wala, lahat ito naglaho
At ikaw na lang ang natira

'Di mo alam kung sa'n ka pupunta
Pero kailangan mo lang maniwala
Kailangan mo lang magpaubaya sa ihip ng hangin
Kailangan mo lang magpadala
At hayaan mong maramdaman ang lahat
Dahil sa pagtanggap, ay doon mo makukuha ang paglaya
At sa paglaya ay doon mo mahahanap muli ang sarili mo
Balikan mo ang sarili mong mga

Bakit, ano, paano ng mahanap mo ang saan
Mawala sa sariling pagkakakilanlan
Hayaan ang sariling umiyak muli
Tumigil kahit saglit, kahit ikaw na lang ang natira
Paunahin mo siya

Pwede na natin itigil ang mundo
Kahit isang saglit o segundo
Sa'n ba pwedeng magtagpo?
Dito na lang muna
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang

Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang

Dito nalang muna
Dito nalang muna
Dito nalang

Hindi mo kailangan magmadali (dito nalang muna)
Hindi mo kailangan pilitin maghilom (dito nalang muna)
Pabayaan na tanggalin ng panahon (dito nalang muna)
Ang lahat ng sakit
Tayo



Credits
Writer(s): Sabrina Manansala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link