BBYGRL

Ang tagal ka nang kilala
Ba't ngayon ka lang pumara
Dati kang nakakasama
'Pag may lakad ang barkada
Sa 'yo nakatingin pero 'di mo lang pansin
'Pag binalik mo ang tingin
Bigla ko nang aalisin

Dati 'pag ikaw ay nagyaya ako ay alanganin
Baka sa'n kasi tayo dalhin ng ihip ng hangin
Ayoko pang umamin sa aking damdamin
Ayoko rin naman na iba na ang iyong ibigin

Baby girl, ang ganda sa paningin
Sana ako ay mahalin
Hinding-hindi bibiguin
Baby girl, ilalayo ka na sa dilim
Mag-isa hindi na iisipin
Basta pag-ibig ko ay dalhin

Pagtapos ng ilang gabi nakita muli
Lahat ng tala sasamba sa 'yong ngiti
Kaya sana'y ako ang pansinin
Sa 'kin lang ang tingin
Hindi sa mga bagong dating

Sana'y pagbigyan na nga
Alam ko sa 'kin itinadhana
Landas nating dalawa walang kawala
Tumpak talaga
Sana nga hindi mawala
'Pagkat ako'y nabihag na
'Pag sinabing halaga ikaw nakatalaga
Lahat nasa 'yo na nga

Oh, baby girl, ang ganda sa paningin
Sana ako ay mahalin
Hinding-hindi bibiguin
Baby girl, ilalayo ka na sa dilim
Mag-isa hindi na iisipin
Basta pag-ibig ko ay dalhin

Gustong-gusto ko nang umamin
Sa damdamin ko nakakalula na sa lalim
Gusto nga kitang ipakilala na sa amin
'Di ko lang alam kung pa'no ko sasabihin
Oh, gustong-gusto ko nang umamin
Sa damdamin ko nakakalula na sa lalim
Gusto nga kitang ipakilala na sa amin
'Di ko lang alam kung pa'no ko sasabihin

Baby girl, ang ganda sa paningin
Sana ako ay mahalin
Hinding-hindi bibiguin
Baby girl, ilalayo ka na sa dilim
Mag-isa hindi na iisipin
Basta pag-ibig ko ay dalhin



Credits
Writer(s): Bryant Nichole Dagdag
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link