Kalayaan

Ikaw ang kalayaan ko
Di na masisilaw sa liwanag mo

Ako ay gumising
Madilim ang paningin
Nakikita ang kanilang pag-iling
Tanggap ko ang aking kapalaran
Tila madilim
Pagtingin mo lang ang aking tangan

Ikaw ang kalayaan ko
Di na masisilaw sa liwanag mo
Ikaw ang kalayaan ko
Di na malulula sa mundong ito

Ako ay gumising
Maliwanag ang paningin
Nakikita ngayon ang iyong pagtingin
Sana'y ikaw ang kapalaran
Liwanag sa dilim
Ang iyong bisig ang aking sandalan

Ikaw ang kalayaan ko
Di na masisilaw sa liwanag mo
Ikaw ang kalayaan ko
Di na malulula sa mundong ito

Ikaw, ikaw ang aking kalayaan
Ligtas sa kahit sinuman
Ikaw, ikaw ang aking kalayaan
Dantay ko ang iyong lakas
Ang kalayaan ko...

Ikaw ang kalayaan ko
Di na masisilaw sa liwanag mo
Ikaw ang kalayaan ko
Di na malulula sa mundong ito



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link