Basag Na Salamin ((Patotoo Ni Bo Palomo))

Nakakita ka na ba ng basag na salamin
O mamahaling gamit na wasak
At nagkalat sa sahig
Tulad ni "Bo Palomo"
Matagumpay ngunit sugatan ang damdamin
At minsan nga muntik ng buhay ay tuldukan
Tapusin na lang dahil yun ang kanyang alam
Na sagot sa mabigat na pinapasan

Ang buhay niya noon ay sadyang kay dilim
Walang patutunguhan at pag-asa ay halos wala na rin
Parang paglalakbay na ang dulo ay bangin
Walang katiyakan tulad ng isang basag na salamin
Kaya naman muntik ng buhay ay tuldukan
Tapusin na lang dahil yun lang ang kanyang alam
Na sagot sa mabigat na pinapasan

Ngunit siya'y natagpuan at pag-asay nakamtan
Kaligtasan ay natamo ni "Bo Palomo"
Nagliwanag ang isipan na dati ay nadimlan
Nagkaroon ng katiyakan buhay niya'ng walang
Patutunguhan
Kapayapaan ay naranasan kahit may kabiguan
Ito'y dahil, kay Kristo Hesus

Sa basag na salamin maikulumpara
Ang buhay niya noon na sikat at ma-pera
Ang problema lang, sa kasalanan din lubog siya
Tingi niya sa sarili ay basahan na
Kaya naman muntik ng buhay ay tuldukan
Tapusin na lang dahil yun lang ang alam
Na sagot sa mabigat na pinapasan

Ngunit siya's natagpuan at pag-asa'y nakamtan
Kaligtasan ay natamo ni "Bo Palomo"
Nagliwanag ang isipan na dati ay nadimlan
Nagkaroon ng katiyakan buhay niya'ng walang
Patutunguhan
Kapayapaan ay naranasan kahit may kabiguan
Ito'y dahil, kay Kristo Hesus

Kaligtasan ay natamo ni "Bo Palomo"
Nagliwanag ang isipan na dati ay nadimlan
Nagkaroon ng katiyakan buhay niya'ng walang
Patutunguhan
Kapayapaan ay naranasan kahit may kabiguan
Ito'y dahil, kay Kristo Hesus

Ngayon ang buhay nya'y isa ng buhay na salamin
Pagkat damdaming sugatan ay gumaling
Malinaw pa sa kristal ang bukas nya
Dahil si Kristo ang may hawak at hindi, iba



Credits
Writer(s): Bobby Arcenal John
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link