Dear Hanna

Dumudulog sa buwan
Ng parehong kalangitan
Sana nga'y tangayin na lang ng amihan
Ang tunay kong nararamdaman

Kahit na anong gawin
Hindi mo na mapapansin
Ang laman nitong damdamin
Ba't ko pa pipilitin
Wala na kong magagawa
Kung iyan na ang iyong pasya
Kahit pa mahal kita
Ako'y maghihintay na lamang

Kahit na matagal
Handa na akong sumugal
Kahit na puso'y nangungusap
Itatago na muna sa mga ulap

Kahit na anong gawin
Hindi mo na mapapansin
Ang laman nitong damdamin
Ba't Ko pa pipilitin
Wala na kong magagawa
Kung iyan na ang iyong pasya
Kahit pa mahal kita
Ako'y maghihintay na lamang

Na magbago ang ihip at tala'y sumilip
Hindi naman labis kung bulalakaw ay lumihis
Hihimpil na lamang sa mga alaala
Basta ako'y aasa kahit sa himala

Kahit na anong gawin
Hindi mo na mapapansin
Ang laman nitong damdamin
Ba't ko pa pipilitin
Wala na kong magagawa
Kung iyan na ang iyong pasya
Basta't mahal kita
Ako'y maghihintay na lamang

Dumudulog sa buwan
Ng parehong kalangitan



Credits
Writer(s): Christian Jumarang, Ralph Kevin Vega
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link