Alunig (feat. Sica)

Kahit 'di marinig
Buga mo lang dapat sabihin
'Wag kang pasakal sa leeg
Kahit hindi mo aminin
Merong panakip sa bibig
Iba na yung ibig sabihin
Kapag pinalit mo yung ibig na hilig
Para makamit yung tingin ng paligid

Dapat kahit 'di marinig
Buga mo lang dapat sabihin
'Wag kang pasakal sa leeg
Kahit hindi mo aminin
Merong panakip sa bibig
Iba na yung ibig sabihin
Kapag pinalit mo yung ibig na hilig
Para makamit yung tingin ng paligid
Minamata

Kulang ang kanin sa plato kung susumahin ang lahat
Kailangan umani kahit kalahati pa yan
Walang gurong nag-turo kaya ginapang ang pasan
Ibang gutom ang meron kapag nalipasan ang tiyan
'Di kunteto si dibali
Ang tagal ko naring namalagi at
Ang dami ko ng inalay sa pag-babakasakaling ibigay na rin yung sa'kin
'Di lang dugo pati pawis
Ang lumalabas dito sa lapis
Linubog ang sarili sa batis kaya
Wag moko tanungin kung bakit
Pinili na mag-sarili kahit daan ay di ko alam
Yapak kong nilakad ang gubat kahit ako'y kinakalam
At 'di mo madidiktahan kasi 'di mo alam
At di mo bilang mga peklat sa aking likod
Hindi puwedeng sabihin sa akin 'gang dito nalang kaya

Kahit 'di marinig
Buga mo lang dapat sabihin
'Wag kang pasakal sa leeg
Kahit hindi mo aminin
Merong panakip sa bibig
Iba na yung ibig sabihin
Kapag pinalit mo yung ibig na hilig
Para makamit yung tingin ng paligid

Dapat kahit 'di marinig
Buga mo lang dapat sabihin
'Wag kang pasakal sa leeg
Kahit hindi mo aminin
Merong panakip sa bibig
Iba na yung ibig sabihin
Kapag pinalit mo yung ibig na hilig
Para makamit yung tingin ng paligid
Minamata

Sinong nangmamata?
Sila nawawala
Kakatawa kasi sino nag-papatahimik sila yung madadada
Bigat ng dalahin nag-sabi na bakit ang tanging tanong
Na mag-hahatid sa'kin sa alapaap
Maging bingi man sila sa dalangin
May huli pang balang ikakasa
Kahit hindi marinig
'Di to papayag na mag-pabusal ng bibig
Bawal hindi umimik
Kapag nakita hudyat ng liwanag sa kakahiling
'Yaw mag-patalo inip
'Di papabali sa gustong ihating
Higaan na musika
Saking banig
Yung kalawakan ang pinapanik



Credits
Writer(s): Kristian Emmanuel Dela
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link