Sapantaha

'Di susuko, magpapatuloy sa paglalakbay na nasimulan
'Di susuko, magpapatuloy sa paglalakbay na nasimulan

Medyo malabo pa saken ang mga nangyare kagabi
Nagising ako nitong umaga wala ka na saking tabi
Basta akin na lamang naalala ikaw ay aking naisantabi
Ang halos sampung taon itanapon ng isalamang na gabi

Biglang nawala yung ningas napinaapoy sa mga entablado
Kasama mga tunay na matibay na sa lahat ay kasangga ko
Kasama sa mga gabing kaharap ang alak, papel, at kwaderno
Sinasabayan ang mga tunog ng mga tugmang wala sa tyempo

Dito na buo ang pangarap na balang araw maririnig din sa radyo
Ang mga sulat na nilapat sa beat, kahit tunog banyo
Na binuo sa aking kwarto, na sinabayan nang galak na puso
Na tipong kahit wala man ito mapuntahan eh walang balak sumuko

Pero tila ako'y pinanghinaan sa mga nabuong pananaw
Ng aking isip, kasama ng aking mga matang walang matanaw
Dahil sa mga obra ko'y walang ni isa man lang na sumayaw
Kaya di ko namalayan, na ako'y nanlamig at tila ba umayaw

'Di susuko, magpapatuloy sa paglalakbay na nasimulan
'Di susuko, magpapatuloy sa paglalakbay na nasimulan

Aking nakilimutan, na meron nga pala akong pangako sa sarili
Na mananatili sa pagsulat hanggang mangalay ang mga daliri
Kahit di nila mapili na pakinggan ang aking tunog at mensahe
Mga ihahain ay siksik, walang magbabago saking imahe

Nasa tagapakinig ang bentahe, yun ang aking pinapakay
At ito'y inaalay para sa mga katulad ko na ang musika'y inaakay
Wala sanang mapapagod, patuloy nating itaguyod
Itong ating istorya ang sa iba ay atin ding ipang hubog

Hindi man natin makamit yung nais nating wakas
Ang ating mga obra ay tiyak mag iiwan ng bakas
Kaya't itulak ang sarili pati yung nasa iyong unahan
Laging tatandaan, tanggalin ang basehan ng hindi ka umuwing luhaan

Kaya kahit ang lahat ng to'y mauwi lamang sa wala
Ang ating mga obra ay tiyak mag iiwan ng babala
Kaya kahit puno ng sapantaha ang nabuo sa mga sulat ko
Ako'y hinding hindi susuko dahil lagi kong naririnig ang tinig na ito sa likod ng utak ko

'Di susuko, magpapatuloy sa paglalakbay na nasimulan
'Di susuko, magpapatuloy sa paglalakbay na nasimulan

'Di susuko, magpapatuloy sa paglalakbay na nasimulan
'Di susuko, magpapatuloy sa paglalakbay na nasimulan



Credits
Writer(s): Amor Jude Thadeus Soriano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link