Ikaw

Ang 'yong mga ngiti
Ang 'yong mga tingin
Ang 'yong mga himig na bumubuo
Sa pag gising sa umagang kay lambing

Ang yakap mong mahigpit
At 'yong mga halik
Sa gabing kay tahimik sa'king bisig
Ika'y matulog ng mahimbing

Marahan kang naglalakad patungo sa'kin
Kapiling ka hanggang sa aking panaginip

Ikaw lamang ang mahalaga
Ikaw lamang ang tanging may saysay

Ikaw at ako
Sa mundong magulo
Tuwing ika'y aking kapiling
Oras ay tumitigil
Hmmm

Ang bawat pag hikbi sa tuwing makulimlim
Napapawi ang luha sa pag lipas ng dilim
Sabay susuungin ano mang bagyong dumating
Tumahan ka sa'kin

Ang bawat ala-ala'y aking iipunin
Sa lalim ng ating pag-ibig kulang ang isang awitin

Ikaw lamang ang mahalaga
Oh Ikaw lamang ang tanging may saysay
Ikaw lamang ang mahalaga
Oh ikaw lamang ang tanging may saysay
May saysay
May saysay

Marahan kang naglalakad patungo sa'kin
Kapiling ka hanggang sa aking panaginip
Ang bawat ala-ala'y aking iipunin
Sa lalim ng ating pag-ibig kulang ang isang awitin

Ikaw lamang ang mahalaga
Ikaw lamang ang tanging may saysay
Mawala na ang lahat



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link