Ikaw Ang Musika

Pagmulat ng mata, kasama na kita
Sinasangga ang laban, sa'n man tayo mapunta
Sunod-sunuran sa laruan hanggang sa eskuwela
'Di na humiwalay, tayo na ba ang 'tinadhana?

Nagkagusto man ako sa kanya
Ikaw pa rin ang nais kong makasama
Walang iba

Bawat tingin, tono sa tenga'y humihiling
'Pagkat sa bawat minuto, gusto kang pagmasdan
Ewan ko ba, ano ba 'tong nadarama?
Humahalo sa agos ng pusong takang-taka

Ikaw na ang laman ng musika
Bawat tinig sa gitara, sabay sa bagyo ng isip
Pa'no nga ba sasabihin kung lumalim ang damdamin?
Hahayaan ba o aking aaminin, pa'no na?

Ooh-ooh-ooh, tu-ru-ru, tu-ru
Tu-ru-ru-ru, tu-tu

Natapos na'ng araw, ako lang at ikaw
Ganda ng ulap, ang damdamin ko'y umaapaw
Nakaupo, magkatabi't kasama ang gitara
Nakatingin sa 'yo, ramdam ang pusong guminhawa

Kaba sa puso, nararamdaman
Ngayon na ba o kailan mo malalamang mahal kita?

Bawat tingin, tono sa tenga'y humihiling
'Pagkat sa bawat minuto, gusto kang pagmasdan
Ewan ko ba, ano ba 'tong nadarama?
Humahalo sa agos ng pusong takang-taka

Ikaw na ang laman ng musika
Bawat tinig sa gitara, sabay sa bagyo ng isip
Ating puso, nang malaman ang pag-aming
Pareho tayo ng damdamin, ika'y mamahalin, paano na?

'Di ko na kayang manatili pa
Huwag mo sa 'king sasabihing "tama na"
Kaya pala, sana'y hindi ka na nakilala
Naaalala mong nangako ka, 'di ba?

Ikaw pa rin ang laman ng musika
Bawat sigaw ng melodiya, sabay sa tibok ng puso
Habang-buhay, hawak-hawak ang iyong kamay
Mananatili sa iyong tabi, pangako, 'di ka bibitawan

Oh, pangako, hindi ka bibitawan (hindi ka bibitawan)
Pangako, 'di ka bibitawan



Credits
Writer(s): Gwynette Saludes, Marc Alfaro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link