May Pakiramdam Din Ako

Pakonti konti na lang gumalaw ang orasan
Takbo ng buhay ko parang hindi na umusad
Paminsan minsan na lang kuminang sa gabi ang buwan
Tibok ng puso ko parang hindi na lumakas

Dahan dahan na lang ang galaw ko
Dahan dahan na rin ang isip ko
Nagpapangap na lang lagi
Na kaya ko wala ka sa'king tabi

May pakiramdam din ako
Hindi manhid na akala mo
Dapat noon ko pa napansin
Na ilusyon ang iyong pag ibig
May pakiramdam din ako
Hindi bato na katulad mo
Ngayon kailangan kong tanggapin
Na kailanman di ka naging akin

Paulit ulit na lang mga kantang pinakikinggan
Patak ng luha ko parang kasing dami ng ulan
Paikot ikot na lang mga laman ng isipan
Bakas ng hawak mo parang hindi na mabubura

Lagi lagi nalang pagtanong ko
Lagi lagi na rin ang hiling ko
Magpapanggap pa rin lagi
Na di ka na mahalaga sa kin

May pakiramdam din ako
Hindi manhid na akala mo
Dapat noon ko pa napansin
Na ilusyon ang iyong pag ibig
May pakiramdam din ako
Hindi bato na katulad mo
Ngayon kailangan kong tanggapin
Na kailanman di ka naging akin

Pinipilit ko na mabura ka sa isip ko
Pinipigil ko na lumapit pa ulit sa iyo
Wala nang pag asa kaya hindi na maghihintay
Wala nang silbi pa kung ako ay malulumbay

May pakiramdam din ako
Hindi manhid na akala mo
Dapat noon ko pa napansin
Na ilusyon ang iyong pag ibig
May pakiramdam din ako
Hindi bato na katulad mo
Ngayon kailangan kong tanggapin
Na kailanman di ka naging akin



Credits
Writer(s): Yasmin Angela Marcelo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link