HANGGANG KAMATAYAN

Hindi ko alam kung bakit
Naisip mo na ako ang iyong piliin
Kasi wala kang kumpara kahit kanino
Para bang ako ay iyong anino
Pasensya na kung ayaw ko magsalita
Kahit ngayon kasi'y nahihiya
Pero wag kang magalala
Ikaw ang tanging mahal nagiisa
Kahit hindi sinasabi
Aking papakita
Na gusto kang makasama hanggang sa pagtanda
Kahit sino pa yan
Wala akong pakialam
Basta paglalaban kita hanggang kamatayan ko sinta
Wala ng pumapasok sa isipan ko, ikaw nalang
Dahil sayo buo ang araw ko kahit pansamantalang
Paguusap lang ang nangyari
Ginayuma mo ba ako baby
At kada gabi hindi mapakali
Iniisip kung ano ang iyong ginagawa
Ilang beses mo nang tinanong sakin
Kung ika'y mahal ko rin
Pasensya na kung di ako umiimik
Kahit hindi sinasabi
Aking papakita
Na gusto kang makasama hanggang sa pagtanda
Kahit sino pa yan
Wala akong pakialam
Basta paglalaban kita hanggang kamatayan ko sinta
Kahit hindi sinasabi
Aking papakita
Na gusto kang makasama hanggang sa pagtanda
Kahit sino pa yan
Wala akong pakialam
Basta paglalaban kita hanggang kamatayan ko sinta



Credits
Writer(s): Ricardo Ainza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link