Tag-Araw

Ikot ng mundo tila ay bumabagal
Ngunit alam kong 'di na rin magtatagal
Ang aking hinihintay ay makakamit
'Pagkat bughaw na ang kulay ng ating langit

Pilitin man ay 'di mo na mapipigil
Ang kanyang pag-ahon, ang kanyang pag-gising

Ikaw lamang ang nais kong kapiling
Kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang, aking nasasaisip
Ang pagsapit ng tag-araw

Sana ang init mo'y aking maramdaman
Araw na nagdaan ay 'di ko na mabilang
Sa 'king paghihintay, ako'y nasasabik
Pinapanalangin na ang 'yong pagbabalik

Huwag mo na sana sa aki'y ipagkait
Ang tanging hangarin na ika'y makapiling

Ikaw lamang ang nais kong kapiling
Kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang, aking nasasaisip
Ang pagsapit ng tag-araw

Hanggang kailan kaya ako maghihintay
Upang ang tag-araw, sa akin ay kusa nang ibigay?

Ikaw lamang ang nais kong kapiling
Kung darating ang tag-araw (kung darating)
Lagi na lamang, aking nasasaisip
Ang pagsapit ng tag-araw

Ikaw lamang ang nais kong kapiling
Kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang, aking nasasaisip
Ang pagsapit ng tag-araw

Ikaw lamang ang nais kong kapiling (nais kong kapiling)
Kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang, aking nasasaisip
Ang pagsapit ng tag-araw

Ng tag-araw
Ng tag-araw



Credits
Writer(s): Wency Cornejo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link