sapat at higit pa

Dalawang mata pero tila 'di ko makita
Aking ganda at kabuoang halagahan
Sariling pagsira
Sariling kadigma

Pero 'di ako kalaban
Ako'y aking kaibigan
Walang malalapitang
Iba kundi sarili
Pag nag atubili
Aking sasabihin

Sapat ka pagkat
'Di mo lang makita
Iyong halaga't ganda
Sapat ka't higit pa

Sinong sasagip sa'kin sa kadiliman?
'Di siya na saaki'y walang kaalaman
Sa'king nararamdaman
At aking labanan

Mahirap pag dumipende pa sa iba
Pag sila ang basehan ng 'yong ligaya
Kung nawala sila
Masaya ka pa ba?

'Di ako kalaban
Ako'y aking kaibigan
Walang malalapitang
Iba kundi sarili
Pag nag atubili
Aking sasabihin

Sapat ka pagkat
'Di mo lang makita
Iyong halaga't ganda
Sapat ka't higit pa

Oh yeah



Credits
Writer(s): Heather Arabella Pena
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link