Sakalam

Simula nung bata pa ako parang palaging may kulang
Sa isang bubong nag iisang magulang
At pag sapit ng tag ulan, sa bubong namin kita ang buwan
Parang umuulan sa gitna ng kagubatan

Kalaban lagi ay gutom, sa tuwa ay nagtatalon
Kasi ang nanay ko'y may dalang tinapay tuwing hapon
Ngunit sya'y biglang nagkasakit pagpanaw nyay sobrang pait
Ito ang kanyang sigaw na lagi kong naririnig

Tibayan mo pa lalo, sugod kahit malabo
Humakbang ka kahit madilim
Bawal ang mahina, lagyan mo ng mantika
Ang bahaw na may konting asin

Meron akong dalawang piso pinangbili ko ng sigarilyo
Hinithit ko sunod sunod upang ako'y mahilo
Para makatulog ng mahimbing pakiramdam ko'y parang lasing
Bukas ulit pagkagising haharap sa salamin

Kausap ang sarili bakit ganito parati
Kahit anong gawin kahit na anong diskarte
Di naubos ang problema parang nandyan lang palagi
Na sa utak ko pala may demonyong namamalagi

Kaya imbis na pang hinaan
Mas lalo ko pang pinagisipan
Dinamihan ko ang dasal sa gabi't araw
Ang dating pabulong dinasal kong pasigaw!

Tibayan mo pa lalo, sugod kahit malabo
Humakbang ka kahit madilim
Bawal ang mahina
Lagyan mo ng mantika
Ang bahaw na may konting asin

Pa tibayin ang utak na makapangyarihan sa lahat
'Yan ang sabi ng mga taong laging nasa alamat
Hinaharap ay di tiyak ayos lang minsan umiyak
Huwag lang hayaang mapaslang ka ng sarili mong kagat

Tibayan mo pa lalo, sugod kahit malabo
Humakbang ka kahit madilim
Bawal ang mahina
Lagyan mo ng mantika
Ang bahaw na may konting asin



Credits
Writer(s): Val Silab
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link