Andito Lang Ako

Mahal, hayaan mong tabihan kita
At sabihin mo lang kahit anong gusto mo
Kung kailangan ng pahinga
Sasamahan kita
Hahawakan ko ang mga kamay mo
At kailan ma'y di' lalayo
Ang pag-ibig ko sayo'y maaasahan mo

Andito lang ako
Laging nasa tabi mo
Kahit pa gumuho man ang iyong mundo
Andito lang ako
Mananatili sa tabi mo
Hindi ka nag-iisa
Ako'y lagi mong kasama

Hmmm... Hmmm

Alam kong di' ko kayang humula ng kapalaran
Pero ako ay siguradong makakamit mong mga pangarap mo balang-araw
At kung di' ka man maniwalang kaya mo
Tingnan mong mga mata ko

Andito lang ako
Naniniwala ako sayo
Andito lang ako
Mahal ko
Andito

Andito lang ako (Andito lang ako)
Kahit pa gumuho man ang iyong mundo
Andito lang ako
Mahal ko
Andito
Dito lang ako

Andito lang ako
Laging nasa tabi mo
Dito lang ako
Hindi ka nag-iisa
Ako'y lagi mong kasama
Andito lang ako
Laging nasa tabi mo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link