Siguro

Masaya ka ba
Sa kalagayan mo ngayon?
Pinipilit ang sarili
Sa komplikadong sitwasyon

At kahit na
Alam mong meron siyang iba
Binuhos mo pa rin
Pagmamahal mo sa kanya

Sigurado ka bang mahal ka nya
O mahal ka lang kasi kailangan ka
Naalala ka lang t'wing sila'y nag-aaway
At may problema siya
Sigurado ka bang mahal ka niya
Mahal ka ba niya talaga?

Manhid ka ba?
Hindi mo ba nahahalata
Nabubulag ka't nabibingi
Maipaglaban lamang siya

Manhid ka nga
Paano ka niya maipaglaban
Kung ikaw ay matagal niya
Na ngang binitawan

Sigurado ka bang mahal ka nya
O mahal ka lang kasi kailangan ka
Naalala ka lang t'wing sila'y nag aaway
At may problema siya
Sigurado ka bang mahal ka niya
Mahal ka ba niya

(Talagang wala kang kadala dala)
Mas pipiliin pa maging tanga sa piling niya
Kaysa ituring natatangi ng iba, ang totoo
Di ka naman talaga masaya, alam mo na yan
Kita mo naman, di ka talaga pinahahalagahan
Pinaasa ka lang, pangalawa ka lang
Pampatanggal umay sa nakasanayan

Sigurado ka bang mahal ka niya
O mahal ka lang kasi kailangan ka
Naalala ka lang t'wing sila'y nag aaway
At may problema siya
Sigurado ka bang mahal ka niya
Sigurado ka bang mahal ka niya
Sigurado ka bang mahal ka niya
Mahal ka ba niya talaga?



Credits
Writer(s): Rocky Baliton
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link