Istraktura

Daluyan ng hapdi
Walang katapusan
Ibinaon, naumay na
Pagkahumaling
'Di mailabas ang lunas
Bakit ngayon ka pa iiwas?

Paggising mo sa eksena
Tila aninong nawala
Naglalagim na istraktura
Walang kabuluhang galaw
Walang nabubuksang ilaw
Aangkinin 'pag binitawan

Lahat nagdurusa
Gumuguhong pagkatao
Basta't ika'y walang katulad
Gagambalain ka
'Di maiinip sa trapik
Walang imik at pagdududa

'Pagkat sayo ang eksena
Baligtarin ang nawala
Naglalakihang istraktura
Kita mo na ang bawat galaw
Wala na 'yang ililinaw
Isigaw mo sa kalawakan
Umayos ka

Araw gabi
Kinokonsumo ako

Balik tanaw
Makakamit din ang minimithi
Bawat galaw
Makakamit din ang minimithi
Balik tanaw
Makakamit din ang minimithi
Bawat galaw
Makakamit din ang minimithi
Balik tanaw



Credits
Writer(s): Maurice Valencia
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link