Dahan-Dahan

Mayro'n bang nakikinig? Mayro'n ba itong silbi?
Nahuhubog sa mundong walang pahinga

Kahit pa ano'ng gawin, hindi ako mapapansin
Takpan na lang ang iyong bibig kung walang may pakialam

Kawalan ng kapanatagan
Kawalan ng sarili mo

'Wag, 'wag kang mabibigla
Sa bilis ng pagbabago ng panahon
Tumatakbo ang orasan, dahan-dahan lang

Kilalanin ang kaluluwa
Malalamang may sagot sa 'ting tanong
Habulin at madadapa, dahan-dahan

Mayro'n bang nakikinig? Mayro'n ba itong silbi?
Napagod nang panindigan ang halagang nawala
Dahil kahit pa ano'ng gawin, hindi tayo mapapansin
Kung 'di ibibigay ang puso mong hinang-hina

Kawalan ng kapanatagan
Kawalan ng sarili mo

Ang salitang 'di mabigkas, ang bigat na 'di kaya ng lakas
Ang simulang nagwawakas, sino'ng may-ari ng ating balat?
Ang salitang 'di mabigkas, ang bigat na 'di kaya ng lakas
Ang simulang nagwawakas, tayo'ng may-ari ng ating balat

'Wag, 'wag kang mabibigla
Sa bilis ng pagbabago ng panahon
Tumatakbo ang orasan (dahan-dahan)

'Wag, 'wag kang mabibigla
Sa bilis ng pagbabago ng panahon
Tumatakbo ang orasan, dahan-dahan lang (lang)

Kilalanin ang kaluluwa (kilalanin ang kaluluwa)
Malalamang may sagot sa 'ting tanong
Habulin at madadapa, dahan-dahan



Credits
Writer(s): Marquez Ron Samuel R., Marquez Ron Timothy R.
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link