Biglaang Paglisan

Bakit biglaan mo lang ako na iniwan

Bakit biglaan mo lang ako na iniwan
Ano ba ang dahilan ng yung biglaang paglisan

Di ko lubos maisip na gan'to ang sasapitin
Ugnayan nating dalawa'y biglaang puputulin
Iniwang mag-isa ng walang ka alam-alam
Ni hindi ko rin alam sa kung ano ang dahilan
Laging napapaisip kung ano ang kasalanan
Binigay naman lahat kaya di rin ako nagkulang
Kaya sana'y sabihin at ipaliwanag mo
Sagutin mo ang lahat ng mga katanungan ko

Itutuloy pa ba o hahayaan na kita
Haharapin muli ang buhay na ako na mag-isa
Ayoko ng umasa kaya sana ay linawin
Ayokong malagay sa sitwasyon na alanganin

Bakit biglaan mo lang ako na iniwan

Bakit biglaan mo lang ako na iniwan
Ano ba ang dahilan ng yung biglaang paglisan

Taon na ang lumipas at wala pa ring nagbago
Maliban sa'king pagtingin unti-unting naglaho
Tanggap ko na lahat at kahit medyo masakit
Di ko na rin inisip kung ikaw pa'y babalik
Sana nga'y di na nangyari ang lahat-lahat ng to
Bakit pa kasi lumapit kung agad ding lalayo
Kung alam ko lang nung una na gan'to ang mangyayari
Ay tinapos na agad para hindi na ko magsisi
Di na gan'to ka lalim ang sugat na natamo
Naiwang mag-isa sa mundo ko na kaygulo
At hanggang sa uulitin gusto ko lang linawin
Ayokong malagay sa sitwasyon na alanganin

Bakit biglaan mo lang ako na iniwan

Bakit biglaan mo lang ako na iniwan
Ano ba ang dahilan ng yung biglaang paglisan

Bakit di ka nagpaalam
Biglaan mong iniwan at tinalikuran
Bakit di ka nag paalam
Biglaan mong iniwan at kinalimutan

Bakit biglaan mo lang ako na iniwan
Ano ba ang dahilan ng yung biglaang paglisan

Bakit biglaan mo lang ako na iniwan
Ano ba ang dahilan ng yung biglaang paglisan



Credits
Writer(s): Michael Angelo Caldoza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link