mala suerte

May pagkakataong malas talaga
Nadukutan ng wallet pantalon ko
Nabutasan ng gulong, nakatapak ng poops
Pero masaya pa rin kasi bawal malungkot

May pagkakataong malas talaga
Mga araw na hindi pa ngayon sa 'kin nakatalaga
Kahit parang araw-araw puro kamalasan na lang
Ngitian mo na lang

Teka anong oras na pala huli na 'ko
Nakasimangot na naman masungit ko na amo
Tapos punuan pa sa jeep mga pawisan pa aking katabi
May umutot pa ang baho naman ng trip mo

'Di ko na masakyan mama sandali
Tapos pagbaba ko baha
Sapatos kong puti ay walang kawala
Hinabol pa ako ng mga asong gala
Kakamadali kamuntikan pa ngang madapa

Madami pang mangyayari, angat baba palagi
Kaya kahit malasin ay ayos lang
Pwede namang bumawi bukas sana palarin
Bagong pakikipagsapalaran

Kahit may pagkakataong malas talaga
Nadukutan ng wallet pantalon ko
Nabutasan ng gulong, nakatapak ng poops
Pero masaya pa rin kasi bawal malungkot

May pagkakataong malas talaga
Mga araw na hindi pa ngayon sa 'kin nakatalaga
Kahit parang araw-araw puro kamalasan na lang
Ngitian mo na lang



Credits
Writer(s): Ace Cirera
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link