Kakalimutan

Minsan, naaalala ka
Sa pagbaba ng araw, sana'y kasama kita
At no'ng minsan, isang alaala ka
Ng ating pag-ibig na napakaganda

Makita ka lang, para bang bumabalik sa simula
No'ng yakap kita at no'ng akin ka pa

Kakalimutan na kita, mahal
Pagsisikapan kahit ga'no katagal
At bibitawan na ang natitira mong alaala
At kakalimutan na kita, mahal

Minsan, naghahanap ng dahilan
Kung ba't 'di kailangan na ika'y kalimutan
At no'ng minsan, 'di ka naramdaman

Nakita ka lang, para bang bumabalik sa simula
No'ng yakap kita at no'ng akin ka pa

Kakalimutan na kita, mahal
Pagsisikapan kahit ga'no katagal
At bibitawan na ang natitira mong alaala
Kakalimutan na kita, mahal

Ikaw pa ri'y mamahalin, at balang araw, makakalimutan ka rin
Pag-ibig mo'y 'di dadamhin, at balang araw, kakalimutan na rin
Ikaw pa ri'y mamahalin, at balang araw, makakalimutan ka rin
Pag-ibig mo'y 'di dadamhin, at balang araw, kakalimutan na rin

Makakalimutan kaya kita, mahal?



Credits
Writer(s): Kyle Raphael
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link