Sana Alam Mo

Nanaginip ako tungkol sa'yo kanina
Ako'y iyong tinanong kung na-mimiss ba kita
At ang sagot ko'y hindi na umabot pa
Nung ako'y nagising na lang bigla

'Di ko alam kung ano ang dapat kong gawin
Ang nais ko lang naman sa iyong sabihin

Nangungulila sa'yo, segu-segundo
Para alam mo
Nagungulila sa'yo, minu-minuto
Para alam mo
Sana alam mo

Naiisip mo rin kaya ako sa t'wina?
Hanap-hanap ang buwan kahit na ngayo'y umaga
Naghihintay ng tugon na mula kay Bathala
Kahit isang bituin lang ang magpakita

'Di ko alam kung dapat na ba itong harapin
Ngunit ang sikretong ito'y hindi ko aaminin

Nangungulila sa'yo, segu-segundo
Para alam mo
Nagungulila sa'yo, minu-minuto
Para alam mo
Sana alam mo

Hindi ba magpaparamdam?
Kahit 'sang liham manlang
Nais kang madama, oh, sinta
Naghihintayan lang ba?
Na tumalon ang isa
Ako ngayon ay nangangamba
Hindi ba magpaparamdam?
Naghihintayan lang ba?
Ang puso ko'y nag-iisa

Nangungulila sa'yo, segu-segundo
Para alam mo
Nagungulila sa'yo, minu-minuto
Para alam mo
Nangungulila sa'yo, segu-segundo
Para alam mo
Nagungulila sa'yo, minu-minuto
Para alam mo
Sana alam mo

Oh
Nangungulila sa'yo
Segu-segundo
Minu-minuto
Nangungulila sa'yo
Sana alam mo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link