Panay Abo

Bakit nag kaganito puro kadiliman at dugo
Mga pangako mo panay nalang abo

Taon taon di nagbabago
Di na sila makatao
Puro kain pera kain pera pera lang
Habang wala tayo'ng pang palaman

Mga naka upo sa trono na walang ginagawa
Sa ayaw gumalaw ay kailangan bumaba
Namamatay na ang bansa
Kung nagbubulag-bulagan ang matanda
Kabataan idilat ang mga mata
Tatabi na nga kami... para kayo na ang mauna

Sinong may ari nang manga hari mo

Bakit nagkaganito puro na lamang mga atraso
Nakakasuka mga mukha ninyo
Mga demonyong payaso

Kung sa kayabangan, walang hanggan
Kung mainsulto'y balat sibuyas
Kung sa taong bayan walang pakialam
Puro mamaya na yang mamayanan na yan

Mga nakaluhod sa trono
Pinagdadasal ang pang gulo
Kung ayaw bumitaw, itaga sa kamao

Sa dayuhan bansa'y binebenta
Kung walang natitira sino ang huhusga
Kabataan idilat ang mga mata
Ang hinaharap
Nakasalalay sa inyo

Sa mga haring palasyo'y gawa sa tanso
Bulok naman paligid nito
At sa prinsesang korona'y gawa sa ginto
Mamahaling bato ay bulok na buto
At ang binhi nyo'y labis pinagmamalaki
Bulok naman ang kanyang budhi

Ang mga hari, ang mga hari nyo
Sinong may ari nang mga hari nyo

Mga nakaupo sa trono na walang ginagawa
Mga nakaupo sa trono na kailangan bumaba
Mga naka upo sa trono

Puro pangako panay abo



Credits
Writer(s): Sebastian Artadi
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link