Tinig

Sabi ng iba
Siya raw ay isang baliw
Naglalagi sa ilalim ng buwan
Sa dilim ay nag aaliw

Sa kanyang paligid nag aantay ang patalim
Tanong nang tanong hindi masagot
Oh bakit hindi mapigilan

Ang mga matang walang humpay sa pag-iyak
Gulong gulo ang isip saan na nga ba lulugar
Binabato ng mga salitang matatalim
Sa kanyang dibdib ay idinidiin

Babalik pa ba sa akin
Ang ngiting hindi pinapatay
O maghihintay na lang ba na
Sunduin ng kanyang mga kamay
Oh oh oh oh oh
Para bang isang sira ulong
Naghihingalo sa sariling gulo
Hinahabol ikot ng mundo

Sabi ng iba
Siya raw ay walang pigil
Naglalakbay sa lilim
Ng kamay na mapaningil
Ang kanyang pangalan nakaukit sa salamin
Lingon nang lingon may bumubulong
Oh bakit hindi pa tapusin

Ang panghingang nawawalan naman na ng saysay
Mga kamay na nakagapos 'di makakaway
Sa panalangin ay hirap na rin makasabay
Sigaw nang sigaw walang makarinig

Babalik pa ba sa akin
Ang ngiting hindi pinapatay
O maghihintay na lang ba na
Sunduin ng kanyang mga kamay
Oh oh oh oh oh
Para bang isang sira ulo
Naghihingalo sa sariling gulo
Hinahabol ikot ng mundo

(Instrumental)

Sabi nila Ika'y bata pa
Madaming aasa sa'yo oh iha
'Di alintanang Ika'y pagod na
Ginapos ng pisi ang bawat hibla

Oh oh oh oh oh
Para bang isang sira ulong
Naghihingalo sa sariling gulo
'Di nahabol ikot ng mundo



Credits
Writer(s): Patricia Lacuarin
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link