Senyor
Ako ang naglatag ng hagdanan bago ka nakapanhik
Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid
Di mawawala kahit ang panahon ay magpalit
Papunta ka pa lang pangwalo ko nang balik
Napakapait kahit magpakabait (uh)
Kadalasan kung itrato napakasakit (uh)
Pilit ginagaya't pinaplano madaig
Parang tatay ng mga ingratong magkakapatid
Nagpakamanhid sa mga tirang padaplis
Di rin basta nagpapadala sa dilang matamis
Pambihira ang bangis, tindigan at ng charisma
Partida di pa yan napapahiran ng langis
Beterano ang galawan, malinis kung kumitil
Mahusay kung kumilatis at marunong pumisil (uh)
Kung sasagot ka sakin sa dulo dapat may ser
Di tayo magkapareho matuto kang lumebel!
Di tayo pantay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Ako ang iyong itay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Di tayo pantay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Ako ang iyong itay
Halik sa singsing!
Halik sa singsing!
Halik sa singsing!
Ako naglatag ng hagdanan bago ka nakapanhik
Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid
Sa ganitong kultura di alam ang kalakip
Nitong mga gamu-gamo na sa apoy nagmamasid
Di to paingayan ng mga kanta sa net
O paramihan ng karangalang makakamit
O pabilisan sa karera, sa eksena sa halip
Patibayan 'to ng tuhod sa bundok na matarik
Di mo nabatid?
Dami mong kalaban
Hindi ka babayaran kung walang palakpakan
Yung mga kritiko na maraming nalalaman
At yung mga negosyanteng gagawin kang kasangkapan
Sa butas ng karayom dadaan ang kapalaran
Paghawak sa mikropono ay simula pa lamang
'Pagkat madali magrap at sumampa sa tanghalan
Ngunit uubra ka ba kung usapan ay patagalan?
Di tayo pantay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Ako ang iyong itay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Di tayo pantay
Halik sa singsing!
Magmano ka sabay
Halik sa singsing!
Ako ang iyong itay
Halik sa singsing!
Halik sa singsing!
Halik sa singsing!
Mga ginoo at ginang
Nais ko pong magbigay-pugay
Sa mga senyor at mga senyora
Na nauna sa'kin
Simulan natin kay Francis Magalona
Andrew E, Michael V, Gloc 9 at Apoka
Urban Flow, Arbiewon, Mastaplann, BB Clan
Legit Misfitz, Ghetto Doggs (version one)
Denmark, Kulay, MC Lara, Lady Di
Bass Rhyme Posse, 4Eastflava, DFT
SVC, Madd Poets, Dcoy, Pamilya D
M.O.D., Chill, Artstrong, Trilogy
Death Threat, Syke, Oblaxz, Mastershock
Mikerapphone, Konflick, El Latino, Anthill Mobb
Chinese Mafia, Down Earf, Nastymack
Ang sarap sana ipagsama sa isang posse track
Pasensya di kumpleto di ko nabanggit lahat
Sila ang mga nakatatanda kong kapatid sa rap
Salamat sa mga ambag at mga kantang tumatak
Hayaan nyong alayan ko kayo ng mga bulaklak

Credits
Writer(s): Marlon Peroramas, Ralph Dela Fuente
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Other Album Tracks
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.