Akin Ka

Madalas mo man na 'di maintindihan at palagi kong
Tinatago ang tunay na nararamdaman
'Di ka umalis at 'di ka nagsabing
Sawa ka na, at ayaw mo na

Ang saya-saya mo kapag niyayakap kita
At ang pangitiin ka'y 'di mahirap sinta
'Lagi mong ipinapaalala sa akin
Madalas man akong mang-away, ay mahal mo pa rin

At kahit na hindi man masabing
Kailangan nang alaga mo
Akin ka, ah-ah-ah, akin ka
'Di ka lumisan at 'di mo iniwan na lang

Sandalan mo aking balikat
'Pag nararamdaman mo na parang ang hirap
Maintindihan nitong kalagayan
Ang kasiyaha'y ikaw

Sa araw natin at gabi ang langit ang naging saksi
Sa oras ng mga ngiti, ay 'di na maikukubli
'Di man laging mapakita
Sa 'yong kulang ako 'pag wala ka, oh

At kahit na hindi man masabing
Kailangan nang alaga mo
Akin ka, ah-ah-ah, akin ka
'Di ka lumisan at 'di mo iniwan na lang

'Wag ka munang bibitaw dahil sinusulit ko ating sayaw
Sabay tayong gumagalaw at mata mo'y natatanaw
Ang puso ko'y sumisigaw dati ay palagi nang giniginaw
Dahil sa 'yo, kaya gan'to 'yung mundo ko tanging ikaw

Kakayanin ko pa ba kung sakaling ako ay mag-iisa?
Dahil 'di ko kakayaning mawala ang isang katulad mo, aking sinta
Dahil sa pagmamahal mo, 'di magbabago
Asahan mo ako kapag kailangan mo

At kahit na hindi man masabing
Kailangan nang alaga mo
Akin ka, ah-ah-ah, akin ka
'Di ka lumisan at 'di mo iniwan na lang

Pag-ibig mo na sa 'kin naipadamam
Naririto para bigyan ng halaga
Kahit na minsan may pagkalito, maging mahirap man, asahan mo
Na 'di mawawala sa 'yo 'pagkat nandiyan ako makakasama mo

Mga tampo nawawala, gumagaan, nadadala
Pagkasilay sa iyong ngiti na kailanma'y walang makahigit
'Di hahayaang mawala ka kasi handa pang masamahan
Hanggang sa bukas natin na sabay haharapin

At kahit na hindi man masabing
Kailangan nang alaga mo
Akin ka, ah-ah-ah, akin ka
'Di ka lumisan at 'di mo iniwan na lang



Credits
Writer(s): Angelo Luigi Timog, Rocel Dela Fuente, Clien Kennedy Alcazar, Jomuel John Casem
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link