Nasayo

Ano ba'ng mayro'n ka, tulala na 'ko dito
Halos ilang oras na rin ngang nakangiti 'to
Sa lahat ng teka ang pinakapaborito
Walang ibang sagot kundi nag-iisa ka, bhie ko
Ang ating call sign, "Love, Mahal, Asawa ko"
'Yung kilig sa tuwing naririnig kong 'yan ang tawag mo
Habang palapit na nang palapit
Yakap mo ang nais ko na napakahigpit, yeah-yeah, aye

Maglalakas-loob magpunta sa inyong bahay
Para makilala din ako ng iyong nanay
Kung 'di masabayan 'yung tagayan ng 'yong tatay
Ay mayro'n pa namang dahilan sa ibang bagay
Tulad ng mamahalin ka
'Di lang salita, walang pangako, gagawin na
Wala 'tong dahilan, magsayang at ibahin pa
'Yung pangarap ko na mailakad

Sa gitna ng daan, tayo lamang dalawa
Umaraw man o umulan
Tandaan mo kapag kasama ka
'Di na kailangan ng iba
Mananatiling nasa 'yo, mananatili lang ako
Mananatiling nasa 'yo, mananatili lang ako
Sa daan, tayo lamang dalawa, tayo lamang dalawa
Tandaan, tayo lamang dalawa, tayo lamang dalawa, yeah-yeah-yeah

Oh, ganda ng gising ko
Ikaw palagi ang unang nakakausap ko
Sabay sa kahit na ano mong gawin
Ako ay nagpapasalamat na ikaw ay dumating
Paano na lang kung hindi ka nakilala?
Baka 'di ko magawang tumawa
At baka hanggang ngayon
'Di pa rin ako handa na tumaya

Ngunit lahat 'yan nabura
Nung nalaman kong mayro'ng ikaw, oh-whoa
Ipaglalaban nang higit pa sa dulo
Ikaw ang lagi na gusto kong ka-duo
Kahit sa anong bagay
'Pag 'di na kayang tumagay ay tutulungan kita
'Wag mo lang maramdaman na 'di ka mahalaga
Lagi-lagi kong ipapaalala sa 'yo, sa 'yo

Sa gitna ng daan, tayo lamang dalawa
Umaraw man o umulan
Tandaan mo kapag kasama ka
'Di na kailangan ng iba
Mananatiling nasa 'yo, mananatili lang ako
Mananatiling nasa 'yo, mananatili lang ako
Sa daan tayo, lamang dalawa, tayo lamang dalawa
Tandaan, tayo lamang dalawa, tayo lamang dalawa, yeah-yeah-yeah

(Russell) Sarap mo lang mahalin
Gagawin ko 'yan ng araw-araw, walang sawa
Hindi rin mapapagod na magpaalala
At magsabing "Mas maganda ka pa sa umaga"
Wala kasing katumbas sa mundo
Sa lahat ng gawin laging magkasundo
Natupad ang hiling dumating ka't nagawang sagipin
Mabuti na lang, mahal, nandiyan ka

Malinaw nga na kakaiba ka't 'di mapapalitan
Sa puso ko, ikaw ang gantimpala
Hindi ko 'yan 'pagkakaila, sapagka't mahal kita
Salamat, nagawa mong magtiwala
Patuloy kong ipaglalaban 'to (paglalaban 'to)
'Yan ang laging panghawakan mo
Wala 'kong plano kundi ang pakasalan ka
At masamahan habang nilalakad ka

Sa gitna ng daan, tayo lamang dalawa
Umaraw man o umulan
Tandaan mo kapag kasama ka
'Di na kailangan ng iba
Mananatiling nasa 'yo, mananatili lang ako
Mananatiling nasa 'yo, mananatili lang ako
Sa daan, tayo lamang dalawa, tayo lamang dalawa
Tandaan, tayo lamang dalawa, tayo lamang dalawa, yeah-yeah-yeah

Minsan ay tinatanong ko sa aking sarili
Kung "Pa'no magsimula ng araw nang 'di ka kapiling?"
Malamang sa 'kin imposible, 'di ko rin maisip
Kung sakaling mangyari, ikaw ang pipiliin
Sa tuwing nakakasama ka
Bukang-bibig ko sa 'yo na lagi kang iingatan
At wala ring mangyayari na kahit ano na masama
Handa kang alalayan kaya 'wag ka na mag-alala

Kasi nandito lang ako lagi 'pag kailangan mo
Umaraw man o bumagyo, ako ay aasahan mo
'Di kita pababayaan kahit ako'y mahirapan
Lagi kang aalagaan, handa kitang samahan

Sa gitna ng daan, tayo lamang dalawa
Umaraw man o umulan
Tandaan mo kapag kasama ka
'Di na kailangan ng iba
Mananatiling nasa 'yo mananatili lang ako
Mananatiling nasa 'yo, mananatili lang ako
Sa daan, tayo lamang dalawa, tayo lamang dalawa
Tandaan, tayo lamang dalawa, tayo lamang dalawa, yeah-yeah-yeah



Credits
Writer(s): Angelo Luigi Timog, Clien Kennedy Alcazar, Jomuel John Casem, Rocel Dela Fuente
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link