Kulay Ng Takipsilim

Tahimik ang paligid
Hangin lang ang umiihip
Sana'y 'yong mapansin
Ang kulay ng takipsilim

Umaawit ang mga ibon
Dama ang init ng hapon
Ang puso ko'y naroon
Sa kulay ng dapit-hapon

Ating yakapin ang pagsapit ng dilim
Mata'y ipahinga at tayo'y humimbing
Ang bukas ay siguradong darating
Ngunit ngayo'y dam'hin ang takipsilim

Araw ay muling sisikat
Okay lang 'wag munang mumulat
And'yan pa rin ang araw
Kahit hindi mo na ito tanaw

Ating yakapin ang pagsapit ng dilim
Mata'y ipahinga at tayo'y humimbing
At ang bukas ay siguradong darating
Ngunit ngayo'y dam'hin ang takipsilim

Lilimutin ang lahat
Kahapo'y ilalapat
Sa buhanginan
Sa dalampasigan

Lilimutin ang lahat
Kahapo'y ilalapat
Sa buhanginan
Sa dalampasigan

Lilimutin ang lahat
Kahapo'y ilalapat
Sa buhanginan
Sa dalampasigan

'Di malimutan ang lahat
Kahapo'y nakalapat
Sa loob-looban
Ng aking isipan

At kung 'di rin kayang limutin
Ating yakapin ang pagsapit ng dilim
Mata'y ipahinga at dam'hin ang init
Na ibinibigay ng takipsilim

Ating yakapin ang pagsapit ng dilim
Mata'y ipahinga at tayo'y humimbing
Dahil ang bukas ay siguradong darating
Ngunit ngayo'y dam'hin ang takipsilim



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link