Paramdam

Ikaw nalang ang hinihintay ko
Ikaw nalang, sana'y mag bago
Hindi ko alam kung anong gusto mo
Tayong dalawa, ako'y nalilito

Ngiti pa kahit di na ko mapalagay
Akala mo siguro ako'y bibigay?

Hindi ko alam kung sino ako sayo
Sa mga sambit mo, akala mo tayo
Ako ba'y gusto mo? Mahirap man pero
Nang walang dahilan, sayo'y masaya ako

Minsan nga ay nakakabigo
Pagkat sa mga Paramdam mo
Ako'y nalilito

Dapat na nga bang akong mag simula?
Mag simulang ibigay ang puso kong duda
Walang muwang, ubos na ang pasensya
Kahihintay kung ikaw ay gagalaw nga ba

Ngiti pa kahit di na ko mapalagay
Akala mo siguro ako'y bibigay? Hay

Hindi ko alam kung sino ako sayo
Sa mga sambit mo, akala mo tayo
Ako ba'y gusto mo? Mahirap man pero
Nang walang dahilan, sayo'y masaya ako

Minsan nga ay nakakabigo
Pagkat sa mga Paramdam mo

Kaya sige, ngiti pa kahit di na ako mapalagay
Alam mo siguro ako'y bibigay... Hay

Hindi ko alam kung sino ako sayo
Sa mga sambit mo, akala mo tayo
Ako ba'y gusto mo? Mahirap man pero
Nang nalang dahilan, sayo'y masaya ako

Minsan nga ay nakakabigo
Pero kahit na nakakalito
Mga pagpaparamdam mo
Ang hinahanap ko



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link