Puj (feat. John Kevin Pineda & Joshua Parra)

May tsansa bang magbago ka ng ruta
Maraming pasikot-sikot jan
Maraming kurbada, nakakakaba

May tsansa bang magbago ka ng ruta
Baka may makilala kang iba
Nakakabahala, ako'y andito lang naman

Ingat ka sa byahe
Kasi kung hindi

Iingatan kita
Wala ka nang magagawa
Wag nang magulat
Kung di kita pakakawalan

Aalagaan ka
Sa tatahakin mong daan
Pinagdarasal
At sana lang naman
Ako ang iyong uuwian
May tsansa bang magbago ka ng ruta
Handa ka bang ako'y samahan
Kung ang lansanga'y walang hangganan

May tsansa bang magtagpo
Mag-abot sa pagitan
At sabay na makipagsapalaran

Ingat ka sa byahe
Kasi kung hindi

Iingatan kita
Wala ka nang magagawa
Wag nang magulat
Kung di kita pakakawalan

Aalagaan ka
Sa tatahakin mong daan
Pinagdarasal
At sana lang naman
Ako ang iyong uuwian

Pag matutulog na ang mga tala
Sa pagliwanag ng buwan
Lumilinaw sa ating mga mata
Ang mundo'y handa na para sa'ting dalawa

Handa ka na ba
Natutulog na ang mga tala
Handa ka na ba
Lumiliwanag na ang buwan
Handa ka na ba
Malinaw na
Handa ka na ba
Halika rito't pakinggan

Iingatan kita
Wala ka nang magagawa
Wag nang magulat
Kung di kita pakakawalan

Aalagaan ka
Sa tatahakin mong daan
Pinagdarasal
At sana lang naman
Ako ang iyong uuwian
Kung pwede lang naman
Ako ang iyong uuwian
Kung handa na ang mundo
Ako ang iyong uuwian
Kung handa ka na
Ako ang iyong uuwian
Ikaw ang aking uuwian



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link