Ahon - A Capella

Kasabay ng pagbuhos ng ulan
Ang pagpatak ng aking luha
Alam ko sa sarili ko na ito ay mangyayari

Sa bawat kulog, at malakas na hangin
O tila pakiramdam ko ay nakikisama ang panahon
Sa aking nararamdaman

(ahh)

Sa puntong ito
Di ko malaman ang gagawin
Sa pangyayaring ito
Kung ako ba ay tatakbo papalayo sayo
O mananatiling nakadikit
Kahit ako ay mahuhulog sa bangin

Ang hirap umahon
Sa karagatang ito
Mga paang nakakadena
Di ko mawari kung nasaan ang susi
Ito ba ay nasa iyo?

O sadyang ito ay, nawawala na
Makakaahon paba?

O hahayaan na lang
Upang itong naramdaman ko sa iyo
Ay mawalan na ng buhay

Ahon



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link