Huling Gabi

Kay tagal na rin pala
Noong tayo ay nagkita
Noong huling gabi
Na tayo'y magkasama
At ang sabi mo
"Sana ay walang wakas"
Ang huling saglit
Na tayo'y magkayakap

Dahil alam natin
Na pagsapit ng umaga
Ay 'di na babalik
Hindi na babalik
Ikaw ay umalis
Kasama ng mga pangarap
Na 'di na darating
Hindi na darating

Hanggang ngayon
Nananabik sa yakap mo't mga halik
Dalangin ko
Na sana ay maulit ang huling gabi

Kay tagal na rin pala
Nung ikaw ay nagpaalam
Noong huling gabi
Na ako ay nakiusap
At ang sabi ko
"Wala na bang magagawa?"
Ang iyong sambit
"Buo na ang isipan"

Ngunit heto ako
Na nagbabakasakaling
Ikaw ay babalik
Ikaw ay babalik
Kapag umamin ba
Na ika'y mahal pa rin
Ikaw ba ay darating?
Ikaw ba ay darating?

Hanggang ngayon
Nananabik sa yakap mo't mga halik
Dalangin ko
Na sana ay maulit ang huling gabi

Hanggang ngayon
Nananabik sa yakap mo't mga halik
Dalangin ko
Na sana ay maulit ang huling gabi

Hanggang ngayon
Nananabik sa yakap mo't mga halik
Dalangin ko
Na sana ay maulit ang huling gabi



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link