Di Ko Inasahan

Minsan ang takbo ng buhay
Paghihirap walang-humpay
Puno ng lungkot at ng lumbay
May panghihinang sumasabay
Minsan naisip na lumayo
Kahit pangarap ay gumuho
Nakikita na ngayo'y susuko
At sasamang lalo

'Di ko inasahang
Ako'y tinawag Niya
Buhay ko ngayo'y nagkar'on ng sigla
Nakamit tunay na ligaya
Nilalasap ko ng lubusan
Ang pagmamahal Niya
O kaysarap mabuhay
Na kapiling Siya

Isip ko'y naliwanagan
Sa tunay na kahalagahan
Nito'ng mundong puno ng kasawian
Ngayon ang Diyos may inilaan
Pangako N'yay walang hangganang buhay
Sa bawat isa
Habangbuhay na Siya ay kasama
Sa paraiso Niya



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link