Lampara

Maling akala, walang pag-asa
Ikaw at ako pala ang nakatadhana
Biyaya ang mapa-sa akin ka
Wala nang dapat na lumisan pa

Namumukod-tangi (Pangarap ko'y ikaw)
Ikaw lang palagi (Hindi na bibitaw)
Wala nang iba akong pipiliin
Kundi ikaw (ikaw), ikaw

Kaya salamat nakilala kita
Naghintay biglaang dumating ka
Di na muli ako lalaban mag-isa
Mundo ko'y naging makulay bigla
Nanumbalik ang naglahong saya
Binigyang liwanag ang ngiti sa'king mukha
Na parang lampara

Ikaw ang kanlungan
Nagsisilbing duyan
Ang nais na makasama ko
Sa habang buhay
Aalagaan kita, aalalayan ka pa, sinta

Namumukod tangi (Pangarap ko'y ikaw)
Ikaw lang palagi (Hindi na bibitaw)
Wala nang iba pang pipiliin
Tanging ikaw lang at ikaw

Kaya salamat nakilala kita
Naghintay biglaang dumating ka
Di na muli ako lalaban mag-isa
Mundo ko'y naging makulay bigla
Nanumbalik ang naglahong saya
Binigyang liwanag ang ngiti sa'king mukha
Na parang lampara

Liwanag mong dinadala
Salamat aking lampara
Ikaw ang tanglaw
Na abot tanaw
Minamahal kita

Kaya salamat nakilala kita
Naghintay biglaang dumating ka
Di na muli ako lalaban mag-isa
Mundo ko'y naging makulay bigla
Nanumbalik ang naglahong saya
Binigyang liwanag ang ngiti sa'king mukha
Na parang lampara



Credits
Writer(s): Charles Emmanuele Rodriguez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link