Sulat

Puso ko'y nagtatanga, mayro'n ka bang nadarama?
Napapansin mo ba?
Lagi na lang nakatingin
Ibinubulong na lang sa hangin na minamahal kita

O kay tagal ko nang tinago ang damdamin ko sa 'yo
'Di na alam ang gagawin kaya dinadaan na lang sa sulat ko

Marahil ay iba (marahil ay iba na man ang loob ng isip) ang iyong nadarama
Pero ikaw pa rin ang iniibig ko ('di ko naman sinasad'yang mahalin ka nang ganito)
Kahit na suntok sa buwan (alam kong para na suntok sa buwan, ngunit gano'n pa man)
Ang ating kapalaran (kahit na 'di ko matamaan, ang mahal ika'y malaman)
Ay maghihintay pa rin (ay hindi naghihintay ng ating mga kapatid)
Ako sa 'yo (ang aking puso na kailanmang ayaw makasakit)

Sa isang (at kaya sa halip, na lumapit ako't magtapat)
Tulad mo ('di magawa dahil baka pagtawanan nang lahat)
Napuno damdamin ko (sa isa't isa, basta alam ko na, ikaw at ako'y sad'yang magka-iba)
Parang tawag sa tanga (pilit na kinakabisado and mga kataga)
Na sayo'y nag-aasa (at baka sakaling masabi ang mga salita)
Tulad ko (ngunit bakit kapag nand'yan ka ay nauutal)
(Pasensya na dahil ika'y aking minamahal)

Puso ko'y nagtatanga, mayro'n ka bang nadarama?
Napapansin mo ba?
Lagi na lang nakatingin
Ibinubulong na lang sa hangin na minamahal kita

O kay tagal ko nang tinago ang damdamin ko sa 'yo
'Di na alam ang gagawin kaya dinadaan na lang sa sulat ko

Nakalipas ang mga araw, naisin ko mang dumalaw
Ay 'di magawang umagaw at sa'kin ay mangibabaw
Lakas ng loob, puso kong tumitibok
'Pag sinubukan kausapin ka, sinisinok
Kaya't hayaan mo isalin ko sa papel
Aking nadarama habang nasa tricycle
Patungo sa lugar na kung saan ay lagi kang nakikita
Palaging na sasalubong pag galing ka ng eskuwela

At pilit na hinahabol mga bakas na iniwan sa hangin
Nang iyong buhok kahit di man sa malapitan
Ay makapiling kita, di man tulad nila,
Mayaman, may pera, may kotse, sa iyong mga mata
Ako'y nawawala pag nakita ka
Tulala, lahat ng mata sa langit handa kong ibaba
Hanggang dito na lamang at sana'y yong unawain
Na lagi kang nasaisip at aking dalangin

O kay tagal ko nang tinago ang damdamin ko sa 'yo
'Di na alam ang gagawin kaya dinadaan na lang sa sulat ko

Puso ko'y nagtatanga, mayro'n ka bang nadarama?
Napapansin mo ba?
Lagi na lang nakatingin
Ibinubulong na lang sa hangin na minamahal kita

O kay tagal ko nang tinago ang damdamin ko sa 'yo
'Di na alam ang gagawin kaya dinadaan na lang sa sulat ko



Credits
Writer(s): Martinez Christian
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link